Work with the willing

Magandang gabi.  Nabasa ko ang article na ito sa isa sa mga websites na source ng mga knowledge natin.  Habang binabasa ko naisip ko na dapat malaman din ng aking mga business partners.

Naka-experience ka na ba nito?  Ang mga kaibigan mo kasama na ang mga matalik mong mga kaibigan ay hindi pa sumasali sa DXN business mo?  Ang iba naman sumali din pero wala namang ginawang actions?  Dahil dito pakiramdam mo masyado kang frustrated?  Naiinis ka at nasasayangan dahil alam mo na magaling sila at napakalaki ng potential.  Alam mo na kapag ginagawa lang sana nila ang negosyo, kumpiyansa ka na magtatagumpay sila dahil alam mo na ang dami nilang kakilala.  Pagdating sa skills, talagang magaling sila.  Pero hindi talaga nila ginagawa o kahit intindihin man lang ang konsepto ng DXN business mo.

Ano ba dapat ang gagawin mo kung maka-experience ka ng ganito?

Sabi ng mga nagtagumpay na sa larangan ng Network Marketing business, huwag mo na daw silang habulin.  Huwag ka na ding manghinayang sa potential nila.  Huwag kang maghabol sa mga taong hindi interesado sa ginagawa mo.  Hanapin mo ang mga taong willing gawin ang ginagawa mo.  Huwag mong sayangin ang efforts at panahon mo sa kanila.  Sayang lang.

Mas mainam pa daw na pagtuonan mo ng pansin ang mga taong wala masyadong alam pero nakikita mo na mayron silang interes sa ginagawa mo.  Pagtuonan mo ng pansin ang mga taong nakikitaan mo ng willingness na matuto.  Sila ang tutukan mo dahil sila ang magbibigay ng resulta.

Hindi mo talaga mapipilit ang taong mangarap kung wala talaga syang pangarap sa buhay.  Wala kang magagawa para baguhin ang buhay ng kaibigan mo o kamag-anak na walang planong magbago ang buhay.  Hayaan mo na sila.  Hanapin mo ang mga taong willing gawin ang ginagawa mo.

Makipagtrabaho ka sa mga taong hindi mo kailangang itulak para gawin ang dapat na ginagawa.  Mga taong hindi mo na kailangang tawagan dahil sila ang naghahanap at tumatawag sa iyo.  Mga taong hindi mo na kailangang pakiusapan para umaten sa mga events.  Mga taong gumagamit ng produkto ng DXN.

Napakaraming mga taong willing gawin ang ginagawa mo.  Mga taong may pangarap at gustong magbago ang buhay.  Hanapin mo lang sila at sila ang mga dapat na katrabaho mo sa negosyong ito.

Hanapin mo ang mga taong may pangarap, willing mag trabaho para sa pangarap nya, willing matuto, willing harapin ang mga challenges at takot nya, willing magsakripisyo pansamantala.

Sila ang dapat mong katrabaho.

Sana may natutunan kayo sa post na ito.  I am here at BOs Coffee in Cotabato City while writing this article.  8:41 PM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *